L j Abacan
Ang kalikasan ay biyaya mula sa Diyos. Ipinagkaloob ito ng may poon para sa ikabubuti ng ating pamumuhay. Karapatan natin itong gamitin at obligasyon natin itong pangalagaan. Kalikasan natin noo'y ay tila perlas sa ganda, sana'y hanggang ngayon ay maihalintulad parin sa perlas ang ating kalikasan.
Diyos na may kapal ang nagtakda at nagbigay sa atin ng kalikasan. Ang Diyos lamang ang may karapatan tumapos at sumira ng kalikasan dahil siya ang naglikha nito. Ang nangyayari sa panahon ngayon ay tayo pang mga tao ang sumisira sa ating kalikasan. Hindi natin ginawa ang ating obligasyson kaya't tayo din ang nagsasakripisyo sa huli.Hindi nagkulang ng paalala ang Diyos sa atin, maraming nagdaan na mga kalamidad inisip natin na ito ay parusa ngunit ito ay isang paalala lamang mula sa Panginoon na dapat pangalagaan natin ang kalikasan. Lahat ng maikadadali ng ating buhay ay binigay ng Diyos hindi lang natin ito pinahalagahan kaya't lahat ay nasayang. Sana'y habang may panahon pa ay baguhin na natin ang dating ginagawian at matuto na tayong pangalagaan ang biyaya ng Diyos dahil sa isang iglap ay pwede itong mawala. Lahat ng ipinagkakaloob ng Diyos ay biyaya ngunit kapag hindi pinahalagahan ay pwede itong maging trahedya. Halimbawa nalang ng hindi natin pag-aalaga sa kalikasan ang balik nito ay matinding mga kalamidad. Maging disiplinado tayo sa sarili tulad nalang ng pagtatapon basura sa hindi tama kaya't ang nagiging resulta nito ay pagbaha tuwing may ulan.
Habang may panahon pa ay maging disiplinado na tayo sa ating mga sarili. Lahat ng hindi natin maganadang ginawa ay may kabayaran kaya't dapat iwasan na natin gumawa ng mga di makakabuti na bagay. Matuto din tayong magpahalaga ng mga bagay na sa atin ay ipinagkaloob kahit ito ay maliit lamang biyaya parin ito at mapapakinabangan din natin ito sa huli. Mag-isip muna bago gumawa ng mga bagay bagay dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli at hindi na ito maibabalik.
Martes, Agosto 20, 2013
Regalo
Pamela Arsenio
Ang kalikasan ay isa sa nga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin, kaya dapat natin itong pangalagaan. Ang Diyos ay lumikha ng tao upang mapalagaan ang kanyang mga ginawa. Malaki ang ugnayan ng tao at ng kalikasan. Sa loob ng mahabang panahon, malaki na ang naging pakinabang ng tao sa kalikasan.
Kalikasan, simpleng katawagan sa lugar kung saan tayo naninirahan at kumukha ng pangangailangan. Katulad ng, pagkain, damit at tirahan. Kung ating mapapansin sa ating kapaligiran. Ang mga nagtataasan at naggagandahang kabundukan, mga ilog, lawa at malalawak ng karagatan. Ang mga ito'y ay nagbibigay ito sa atin ng mga kailangan. Ngunit sa napakatagal na ugnayan ng tao sa kalikasan ay ito'y nasisira. katulad ng, pagiinit ng mundo, pabago-bago ang klima, pagbaha, at pagdami ng mga basura.
Ang mga problemang ito'y ay maari pang solusyonan sa pamamagitan ng pagkapit bisig upang makamit ang pagbabago. Disiplina ang pangunahing susi upang mapangalagaan ang kalikasan. kaya tayong mga Pilipino ay may sariling kakayahan upang makagawa ng paraan upang makamit ang pag babago, na inaasam.

Kalikasan Iligtas
Jorel Causon
Kalikasan iligtas,
Huwag kang tumakas,
Ika’y tumitira rin dito,
Kaya iligtas mo din
ito.
Kalikasan hindi dapat
ibaliwala,
Maglinis ka kanan at
kaliwa,
Irespeto niyo ang
kalikasan,
At ika’y irerespeto
din.
Magsimula ngayon,
Huwag kang maghintay
na may gagawa para sa iyo,
Kasi kapag ikaw ang
nagsimula,
Susunod na ang iba.
Ganda ng Kalikasan
Clara Gueco
Ang ganda ng kalikasan ay tunay na yaman.
Bahagi na ito ng aking kabataan.
Ito ang pundasyon nang ating kinabukasan.
Kaya’t pagsisikapan kong ito’y pagkainggatan.
Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
Sikat ng araw ay walang kasing tingkad.
Ang liwanag ng buwan sa gabi ay nakakahinay.
Ang lambak ang aking hardin.
Punong-puno ito nang iba’t-ibang pananim.
Madaming bulaklak kahit saan tumingin.
Masustansyang pagkain ang kaniyang hain.
Ang pagbabago ay hindi makakamtan, kung ang kalikasan ay mapababayaan.
Ito ang lakas ng isip at ng ating katawan.
Kapag nasira, tayo din ang mawawalan.
Kaya dapat nating alagaan ang ating kapaligiran.

Kalikasan
Patricia Gepielago
Pagmasdan ating kapaligiran
Tila wala ng patututnguhan
Ganda nito’y asan na nga ba
Mga puno’y tila’y paubos na
Ganda’y dapat ating pangalagaan
Huwag sayangin ang aking yaman
Ito’y para sa kinabukasan
Kaya’t atin itong pagkainggatan
Kalikasan ay pangalagaan
Bawat isa’y may pananagutan
Sa pagkasirang ating nakamtan
Bawat isa’y dapat magtulungan
Napakarami ng nasalanta
Sa mga trahedyang nagdaan na
Bawat isa’y kumilos na
At pagbabago’y makakamtan na
Tila wala ng patututnguhan
Ganda nito’y asan na nga ba
Mga puno’y tila’y paubos na
Ganda’y dapat ating pangalagaan
Huwag sayangin ang aking yaman
Ito’y para sa kinabukasan
Kaya’t atin itong pagkainggatan
Kalikasan ay pangalagaan
Bawat isa’y may pananagutan
Sa pagkasirang ating nakamtan
Bawat isa’y dapat magtulungan
Napakarami ng nasalanta
Sa mga trahedyang nagdaan na
Bawat isa’y kumilos na
At pagbabago’y makakamtan na
Tayo Ang Kalikasan
Patrice Charlotte Blanquisco
Tatlong kasabihan na halatang mga tao’y matatamaan. “Malinis na kapaligiran, masarap tirahan”, napaka-totoong kasabihan. “Ang taong malinis ay malayo sa sakit”, at ang pangatlong kasabihan ay“Kalikasan ay kayamanan, dapat alagaan.”Ang mga kasabihang ito ay iisa lang ang mensahe. Sana sa mga kasabihang ito, may magawang matinong pagbabago.
Tingin-tingin din naman sa kaliwa at kanan kapag may oras. Pansin na pansin naman na sobrang dumi ng kapaligiran.Di ba nakakasawang tignan? Ang sakit sa mata. Kapag malinis ang tao; ang paligid din ay malinis. Kapag naman ang tao’y marumi; ang paligid din ay marumi. Nakakainis na hindi marunong sumunod ang ibang tao sa mga simpleng tuntunin, tulad na lamang ng “bawal mag-tapon ng basura dito”. Bakit ba hindi kayang sundin ang simpleng tuntunin? Ilang hakbang lang naman ang kailangang gawin. Wala lang ‘mangdisiplina sa sarili, kahit sa iba pang lugar magpunta. Binabaliwala lang ng mga tao ang mga ito. Hindi ba naiisip na baka itong mga regulasyong ito ang liligtas sa mga buhay ng karamihan? Hindi marunong rumespeto at magpasalamata ng mga tao sa Diyos naipinagkaloob Niya ang mundo hindi para sirain kundi para pangalagaan. Hindi ba napapansin ng iba na ang mga kalat ang nakakasira sa kalikasan at pumapatay ng maraming buhay? Imbes na mas binibigyang pansin ang kapaligiran o ang kalikasan sa iba napupunta ang pansin. Ang mga tao ngayo’y talagang sakim na.Tanong ng iba, bakit ba kailangang pangalagaan ang kalikasan? Marami pa ang gagamit ng kalikasan hindi lang tayo. May mga susunod pang henerasyon na gagamit ng mundong ito. At natural, di ba ayaw din naman ng lahat magkasakit? Kaya dapat talagang pangalagaang mabuti ang kalikasan para makaiwas sa sakit. Di ba pwedeng gamit-gamitin din naman ang mga utak bago umakto at magreklamo? Ang mga utak ay ginagamit para gumawa o umakto ng matino o para sa ikabubuti ng lahat. Kakulangan din ng “common sense” ang problema sa iba. Ang daming bagay na angnasisira. Inilalarawan ng kapaligiran kung sino ang mga tao. Dapat ngayon pa lang ay may umaakto na ng tama.
May oras din na malalaman ng mga tao na mali ang mga pinaggagagawa nila. Dapat maging malinaw sa atin ang mga kasabihan. Dapat lahat ng bagay ay pinangangalagaan. Tayong mga tao ay hindi dapat umaasa lagi sa kalikasan dahil sila ri’y ang umaasa sa atin. Tayong mga tao rin ay hindi na dapat nasasanay sa “sana”. Tayong lahat dapat ang maging bagong simula.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)